Inirereklamo naman ni Charles Velasquez ng Rizal ang mahinang volume ng headset ng binili niyang dalawang cell phone units. Nang ipa-rate ang customer service ng kumpanya, sagot ni Velasquez: "From 1 to 10, 2 lang siguro... kasi brand new iyong binili mo, dapat walang defect iyon eh."
"Well, we really grew up so rapidly, but in terms of iyong percentage noon returns, it's still not that significant. Technically speaking, it's still less than 2-percent but it doesn't mean na we're ignoring the complaints," ani Agnes Conopio, marketing head ng kumpanya. Inaksyunan na rin daw nila ang reklamo tungkol sa kakulangan sa hotline numbers at service centers. "We have already added 5 new hotlines and then we're gonna expand our service centers," ani Canopio.
Ayon naman sa National Telecommunications Commission, mas mainam na may sapat na service centers ang anumang phone manufacturer bagama’t hindi ito requirement.
Anumang paglabag naman sa warranty o return policies ng mamimili ay maaaring ilapit sa Department of Trade and Industry. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino
13 comments:
dito sa davao dalawang grocery bag ang naka tambak sa gaisano cherry mobile center puro defective at brand new. ang rason ay wala ang technician. hindi organized ang pagkakaimbak nang units nakabalot lang nang ordinary paper at rubber bond. kung hindi mo pa ithreaten na isusumbong sa DTI di ka nila papansinin at palitan ang unit mo. ang cherry cell phone nang anak ko ay tatlong buwan na nakaimbak sa kanilang drawer ang sabi ay nasa main center na daw sa manila for repair. after three months hinanap namin ang unit at nadiscover na nasa drawer pa rin at di man lang nakaapak nang airport.
Dec 30, 2010, bumili ako ng cherry mobile T8, regalo ko sa anak ko. Jan, 8, i tried to call him, di ko sya marinig kasi maugong ang line, na alarmed ako so ibinalik ko sa binilhan kong store sa gateway cubao, pinapapalitan ko pero ayaw nila kasi may gasgas na daw at 0ne week lang pwede palitan. Binigyan ako ng address para sa service center at dalhin o daw dun, Jan 21, i went there sa service center sa may Philcoa, Inbucks Enteprises para icheck up, sabi one week daw ok na meaning pwede ko na balikan, Jan. 31 binalikan ko, dismayado ako kasi di pa daw gawa at ongoing pa lang , nakapila pa lang daw sa technician nila, meaning to say yung 1 week nasayang at nakatiwangwang lang sa kanila at di pa man lang ginagalaw. today, Feb 2, call ako sa Inbucks Enterprises at reason naman ay dadalhin daw sa main office at magwait daw ako ng 3 to 7 weeks, bakit ganun!!!!! Sobra naman ata sila!!!! Sino naman ang may gusto na mag regalo sa anak nila ng defective na bagay, wala tuloy magamit ang anak ko at hinahanap ang celphone nya....
Bumili ako ng cherry mobile Q7 sa Victoria Plaza Davao noong pasko 2010, pangregalo sa misis ko. Feb 2011 sira na yung charger at ayaw na magcharge at nde na magamit ang Phone. Dinala namin sa Service Center "kuno" nila sa Gaisano Mall of Davao at sabi wlang stocks for replacement ng USB cable na nasira. Pinabalik pa kami after 1 week kasi irerequest pa daw sa main and replacement. Wla man lng silang available charger for sale or alternatives. After 1 week bumalik ako for the replacement cable , pero ayaw na nilang palitan kasi nde na covered sa warranty/replacement. Pinabibili ako sa kanila ng charger worth 500pesos. Na high blood na ako!... Walang kwenta ang Cherry Mobile na yan! .. to make the long story short, nakabili ako nung nokia charger na maliit na pin na compatible sa Q7 for 180 pesos... Hinde na ako ulit bibili ng cherry mobile. Sana ma karma ang mga mayari nyan... inireport ko na sa DTI ang incedent.
Until now march 29 na, hindi pa rin nagagawa ang cellphone ng anak ko. Dumaan ang new year, valentines, birthday ng anak ko hindi pa rin nya magamit ang cellphone na iniregalo ko sa kanya. Ang hirap pa nito nagtuturuan ang inbucks at ang cherry main office sa real status ng cellphone ng anak ko. How many times na akong nagfofollow up, sumunod naman ako sa sinabi nilang 1 week, and after that one week, 3 to 7 weeks, almost over na ang binigay nilang time para maayos ang cellphone ng anak ko pero wala pa ring linaw sa report kong ito. Grabe na talaga sila, nakakainis. Inuulit ko sino naman ina ang gustong mag regalo sa anak ng defective na bagay! Siguro ako lang yun at ang may sala ay ang cherry mobile na nabili kung unit.
Roger Qiu ang may ari ng cherry mobile sa provincial. Walang intention bumili ng spare parts para sa mga defective kasi sobrang marami silang supplier hindi nila ma control lahat ng supplier mag claim ng parts para sa mga defective. Buong warehouse daw nila punong puno ng defective. Ganyan talaga yung may ari, mahilig mag asikaso sa mga advertisements at sales pero wala intention mag alaga ng after sales service. Ang alam ko circulate lang nila lahat ng defective, hindi inaayos kaya nga hindi nila pina pa test sa inyo yung unit bago niyo bayarin sila.
today call uli ako sa inbucks to follow up status of my son's cellphone, as usual, di raw kasama ang cellphone ng anak ko sa deliver na galing sa main. Ang siste, narinig ko sa mga staff ng inbucks na parang pinagtatawanan ako kasi ang tawag nila sa akin today ay si feb 15 na march 15. Anong ibig sabihin nito...... ginagago na ba nila ako... sorry for the bad mouth pero it sounds like that na. Sana may magbigay sa akin ng direct na number ng cherry mobile para ireport ko eto, wala naman kasi ako matawagan kundi ang inbucks at ang main na halos iisa lang ang alam isagot.
di na nag-iisa bro. here's my take on their "brand new" Cherry Mobile Q7
http://rebyulusyon.blogspot.com/2011/06/brand-new-cherry-mobile-q7-review.html
ok naman yong na bili ko na Q7 kaso walang Ñ at ñ anyway...di ko naman gaano gumagamit ng ganyang mga letra..minsan din matagal maconnect sa pc...at mahirap din magcharge..1 yr na ang q7 ko now...so far still working
Hi,
I posted your site in http://www.facebook.com/CherryMobileComplaints
.
Thanks.
Hi,
I posted your site in http://www.facebook.com/CherryMobileComplaints
.
Thanks.
Hi,
I posted this link to
http://www.facebook.com/CherryMobileComplaints
.
Thanks.
I buy cherry mobile W300 last december 2012, feb 2013 my phone can not recieved and make a call as well as recieved and send text massages.I brought it to their service center in SM north annex for repair and warranty service it was feb 23.upon acceptance they said it be serviced after 3 to 4 weeks and they send a sms.after one month i made a follow up.and said it not yet done.after 2 months they send sms.saying the phone need to replace the board with a cost of 80% of the original price.which i reply why should i pay the unit is under warranty.and no reply at all until i decided to pull it out and madea decission to have it check by celfone technician and found out that the fone will back in service in 10 minutes. how come that cherry mobile technician can't do what ordinary celfone technician do? Cherry mobile management should look to this problem maybe they didn't know what happening to their ranking file and do necessary action.DTI must do their job prior to approval to this products.
call DTI hotline tel 751-3330
any complain about defective goods.
Post a Comment